Gusto mo bang mag-Service Crew?
[önèsh!]
Ikaw ba ay walang magawa ngayong summer? O may dapat kang isagawa dahil
wala nang laman ang wallet na bigay ni Ninong nuug Pasko? Ahh.. alam ko na!
siguro bumagsak ka sa Rizal last sem kaya lang hindi kasama sa pinagusapan
nyo ni erpats kaya wala kay allowance. Isa sa mga options mo ngayon edi ang
maghanap ng trabaho, wala nang iba pa kundi... TADAH!."Seevice Crew."
Mapa-Jollibee, McDo, Shakeys, Kenny, at kung anu-anu pa! Ako, bilang
isang dating service crew ay nais magbigay ng tips at advices sa mga
nagnanais mag-"Service Crew" dyan sa tabi-tabi.
TIP#1. Always be ready. Be ready mentally,
emotionally, financially, socially at higit sa lahat, PHISICALLY
MENTALLY: Handa ka na ba sa mga questions na
ibabato sayo ng interviewer...literally? Sa mga exams na ibibigay ng ibang
food chains? Hindi ka ba mawiwindang kapag nilagay ka sa cashier?
EMOTIONALLY: MAdali ka bang ma-bore sa
paulit-ulit na gawain? (kadalasa'y may "steps" and bawat station na
kailangang sundi)
FINANCIALLY: Kuntento ka na ba sa suwldo mo as a crew?
Baka naman suweldo mo'y pamasahe lang ubos na?
SOCIALLY: Mahusay ka bang makisalamuha sa tao? Hindi
naman kailangang dada ka nang dada, ang mahalaga'y you know how to get along
well.
PHYSICALLY: (The Biggest Challenge) The most common
set-up as a crew is... LAGING NAKATAYO -- counter, lobby person, kitchen ...
Imagine a 4-7 hour shift na nakatayo ka lang! Syempre hindi lang yan, mop
the floor, maglabas ng trash bin, magligligpit ng pinagkainan, etc.. Hindi
ko kayo dini-discourage ha!
TIP#2 Pag ready ka na, ihanda ang mga resumé/bio-data at mga
pictures, at pumunta sa fastfoods of your choice. Syempre you need to
consider some aspects pero kung wala kang choice wala kang magagawa.
note: Mas mabuti kung hiring ang fastfood na aaplayan,
mas mabilis ang hiring procedures.
TIP#3 Interview na! Relax, answer each question as you would
normally. Bring extra bio-datas, huwag mag-withold ng information.
Huwag din namang maging overconfident noh!
TIP#4 Success! Kapag natanggap ka, be ready. May mangungutang na
crewmate, manliligaw, may makikilalang cute, tapos magiging kayo.. ehem,
costumer complaints, shortchange sa counter, atbp. But these are the things
that make life as a crew sweater diba?
Ayan ang tips ko for you. Mabibili
niyo na ang mga gusto niyong bilhin pagka-sweldo. Kung sinunod ninyo ang mga
ito pero hindi kayo natanggap, don't ask me WHY! Dahil sa mga "WH"
questions, ang "WHY" and pinakamahirap sagutin.
Good Luck sa pagiging crew. CIAO! |